Mabuhay! Ito ang ‘web page’ ng ‘St. George
Migrant Resource Centre’. Isinasaad sa
pahinang ito ang mga paglilingkod
na ibinibigay ng Migrant Resource Centre sa inyong sariling wika.
Una sa lahat,
ating tukuyin kung ano ang Migrant Resource Centre.
Ang ‘St George Migrant Resource Centre’
(St. G. MRC) ay isang pang-kumunidad
na orgnisasyon
na tumutugon sa mga pangangailangan
ng mga bagong
dating na migrante at
‘refugees’ sa lugal ng St George, lalong-lalo na sa mga
bagong dating sa
Ang mga kawani ng sentro
ay makapagbibigay ng impormasyon ukol sa ibat’-ibang isyu tulad ng:
·
Imigrasyon
·
Paghahanap ng trabaho, pag-aaral at pagsasanay
·
Pag-papasuri in kuwalipikasyon
galing sa ibayong dagat
·
Mga serbisyong
pang-kababaihan
·
Pag-papaalaga sa bata
·
Impormasyon ukol sa pabahay at paghahanap
ng tirahan
Ang mga serbisyo ay libre at konpidensiyal. Kung kayo ay nahihirapng maki-pagusap sa
wikang Ingles, tumawag sa serbisyong pang interprete sa numerong
133 450 at sila
ang tatawag sa sentro para
sa inyo.
Minsan sa isang linggo, may kawani o ‘Filipino Community Worker” na pumupunta
Ang St George MRC ay mayroon ding mga serbisyo para sa mga matatanda,
mga tagapag-alaga ng may sakit o mayroong kapansanan.
Ang mga sumusunod ay mayroong serbisyo sa
inyong sariling wika:
·
Multicultural Aged & Disability Services: nagbibigay
suporta sa
mga taong mahihina, may kapansanan at ang kanilang taga-pagalaga
na galing sa lahing di Ingles ang wika. Lahat ng proyekto ay mayroong kawani na dalawa
ang wika at kultura upang magbigay
suporta sa mga kliyente.
·
NESB Access Project: nagbibigay
impormasyon, referal at suporta upang tulungan
ang mga taong
gamitin ang mga serbisyo ng
Home and Community Care (HACC) sa lugal
ng St George at Sutherland, halimbawa:
paglilinis ng bahay, tulong sa
sasakyan, pansamantalang pagpapahinga, pag-kukumpuni ng bahay at suportang
sosyal. Tumawag sa
numerong 9567 0933.
Ang serbisyong ito ay walang bayad.
·
Multicultural Carers Project: Ang mga taga-pagalaga ay mga taong nagbibigay
kalinga sa mga mahihina, matanda,
may kapansanan o kaya ay
may malubhang karamdaman. Ang proyekto ay nagbibigay impormasyon at suporta sa mga taong ito sa
pamamagitan ng pag-tawag sa telepono,
pakiki-pagpulong at pamamasyal. Tumawag sa numerong
9567 0933.
·
Multicultural Community Aged Care Packages:nagbibigay suporta sa mga taong
mahina na, ngunit nais na
patuloy na manirahan sa kanilang
tahanan upang iwasan ang manirahan
sa ‘hostel’ or bahay pang-matanda. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng aruga
tulad ng pagpapaligo, pamimili, paglilinis, paghatid sa apoyntment na
akma sa pangangalingan
ng indibidwal. Tumawag sa 9567 6377.
Mayroong munting bayad sa serbisyong
ito.
·
Multicultural Day Care & Centre Based Meals: ang serbiyong ito ay nagbibigay ng mga
gawang pang sosyal para sa mga taong mahihina
at naninirahan
Kung nais ninyong basahin ang impormasyon ukol sa mga serbisyo para
sa mga migrante
dito sa
Umaasa ang St.
George Migrant Resource Centre na
kayo ay makadaupang palad pagdating dito
Link to
DIMIA Settlement site: www.immi.gov.au/settle/booklets/index.htm